Ang bawat tao ay may kaniya-kaniyang kwento.... Mahaba man o maikli lahat iyon ay may aral na mapupulot.  Kadalasan ang buhay na akala natin ay walang silbi ay puno pala ng aral, kung ating iisipin...  Ang kwento ko, ang kwento ni ate, ni kuya, ni nanay, tatay at pati ng kapit-bahay... pagusapan natin... at kapulutan ng aral...........

 

Every story has an ending, it may be good or bad.... It depends upon the beholder of that life.  May these short stories or maikling kwento be of help to all of you....

Maikling kwento

Ang Alaga Kong Bayawak

11/01/2010 05:49

Mailing kwento: "Ang Alaga Kong Bayawak"

Ako ay may alagang bayawak.  Kahit saan ako magpunta siya ay aking kasama.  Mahal na mahal ko siya at alam kong hindi niya ako iiwanan.  Sa eskwelahan ang bayawak ko ay ipinagbabawal subalit hindi ko parin siya inaalis sa pagkakapuupot sa aking leeg.  Wala ng magawa ang aking mga guro.  Isang araw may liham na ibinigay ang aming guro.   Nakasulat doon ang tungkol sa isang "field trip" para sa aming klase.  Bibisita kami sa malalaki at sikat na factory.  Sobra ang aking kaligayahan.  Pinaghandaan ko ang araw na iyon.

Marami kaming napasyalan at napuntahan.   Ang huli naming pupuntahan ang pinakagusto ko sa lahat... ang "Langit Cotton Factory."  Lahat kami ay pinapila.  Lahat ay isa-isang susuriin kung maaaring makapasok sa loob.  Ako ay lubos na umaasang papalaring makapasok.  Nung ako na ang nasa harapan ng guwardiya, tinignan niya ako at sinabing "Sorry, hindi ka namin mapapapasok!"  "Bakit Sir!"  ang mabilis kong tanong.  Ipinakita niya sa akin ang nakapaskil na sign board... "No Pets Allowed!"  "Kung gusto mong pumasok tanggalin mo ang bayawak sa leeg mo!" dagdag pa niya.  Nagsimula na akong umiyak...  "Ayoko!  HIndi ko kaya!"  Nagsimulang umandar ulit ang pila at ang iba ay nakapasok na.  Nagdesisyon ako...  Sa tagal naming magkapiling ng akng bayawak masyado na siyang dumikit sa aking balat.  Masakit man pilit ko siyang tinanggal sa aking leeg.  May mga balat na sumama sa kanya.  dumugo ang aking leeg at labis ang hapdi na aking naramdaman. 

Lumuluha ako.

Lumapit ang guwardiya.  "Bata, makakapasok ka na!"

 

"Sa ating buhay, marami tayong di maiwanan.  Alak, babae, sugal, droga, kasikatan, kapangyarihan at iba pang bisyo....  Ngunit ang mga yaon din ang hadlang upang tayo ay makapasok sa kaharian ng Diyos!"  Sa mailing kwento na ito, sana ay nakapulutan iyo ng aral.

Ang mailing kwento ng Dalawang Anghel

11/01/2010 05:02

May Dalawang Anghel na naglalakbay.  Sa kanilang paglalakbay sila ay ginabi at naghanap ng matutuluyan.  May nakita silang malaking bahay.  "Doon tayo!  Makiusap tayo baka tayo ay patuluyin nila!!!" sabi ng nakababatang anghel.  "tok.. tok.. tok.."  Bumukas ang pinto at isang matandang lalaki ang nagbukas ng pinto.  Ang leeg niya ay nakakasilaw dahil sa gintong kuwintas na kanyang suot.  "Kami po ay ginabi sa paglalakbay, maaari po ba kaming makituloy...."  sabi ng nakatatandang anghel.  Hindi agad nakasagot ang matanda at tinitigan sila.  Nagaalinlangan ang matanda sapagkat sila'y nakabalatkayo at hindi alam na sila ay mga anghel.  Ngunit dahil sa pakiusap ng mga anghel na nagbalatkaong tao sila rin ay pinatuloy.  Sila ay pinatulog sa isang masikip na kuwarto na may maatigas na higaan.  Hindi sila inalok ng makakain kahit na alam ng matandang mayaman na sila ay nangangatog na sa gutom.  Nung sila ay matutulog na, nakita ng nakatatandang anghel na may butas ang dingding ng kuwarto.  Inayos niya iyon at isinarado ang butas.  Nakatingin amang ang nakababatang anghel sa mga nangyari.   Kinabukasan, sila ay nagpasalamat at umalis na.  Naglakbay nanaman sila at napunta sa isang bukid.  "Gutom na talaga ako!" sabi ng nakababatang anghel.  "O sige teka lang... sa banda roon ay may maliit na kubo...  tingnan natin at tayo ay magtanong sa kanila.."  Nung sila ay malapit na sa kubo nakita nila ang magasawang matanda.  Makikita sa kanilang tindig ang hirap ng buhay.  "Magandang hapon sa inyo, kayo ba ay naligaw?" sabi ng matandang lalaki.  "Ginabi na po kami at kami po ay nagugutom... Nakakahiya po ngunit manghihingi kami ng pabor na kung may konti kayong tinapay ay manghihingi po kami para kami ay makaraos sa gabing ito.."  Sabi ng nakatatandang anghel...  "Oo meron kami dito at gabi na rin masyado para kayo ay maglakbay, kaya dto na kayo magpalipas ng gabi!" sabi ng matandang babae.  Gutom man hindi pa rin masyadong nakakain ang nakababatang anghel sapagkat napansin niyang ang ibinigay sa kanila ay ang tanging pagkain ng mag-asawa. Inalok niya subalit ipinilit ng mga matatanda na sila ay kumain sapagkat sila ay malayo apa ang alakbayin kinabukasan.  Maliban doon, pinatulog sila ng mag-asawa sa kanilang higaan, at ang mga matanda ay natulog sa sahig. 

Kinabukasan, nagising ang nakababatang anghel sa isang malakas na iyak.  Lumabas siya at nakita ang matandang babae na umiiyak habang tinitignan ang asawang inaasikaso ang namatay na baka na tangi nilang kayamanan.  Bumalik sa loob ng kubo ang nakababatang anghel na may galit.  Hinarap ang isang anghel at sinabing "bakit mo ito ginawa?  iyong mayamang matapobre hindi tayo inasikaso pero inayos mo pa ang dingding ng bahay niya.  Pero itong mga matatandang halos lahat ng mayroon sila ay inalay sa atin.. hinayaan mo pang mamatay ang baka nila...  Bakit???"  "Naiintindihan ko ang ngitngit mo, munting anghel... Pero nung nandun tayo sa mansyon ng matndang matapobre na sinasabi mo..... nakita ko na may kayamanan sa butas ng dingding.. Hindi pa niya iyon nakikita.. At dahil sa masama ang ugali niya tinakpan ko iyon.... Kagabi naman, dumating ang anghel ng kamatayan.... kinukuha ang matandang babae... pero dahil mabait sila sa atin.. ang kanilang baka ang aking ibinigay...."

 

 

"Sa ating buhay, maraming ganitong kwento...  Kadalasan nauuna ang ating panghuhusga...  Pero ang ating nakikita ay maaaring hindi tulad ng ating inaakala.. Tayo ay binibiyayaan sa paraang madalas ay hindi natin alam...."